Antagal na since last akong nag-update dito sa tumblr tungkol sa aking life. Pero masasabi kong ito ang pinakanaging productive at masayang summer ko ever.
After 2nd semester, nung Holy Week, nagpunta kami sa Caramoan, Camarines Sur. Nag-island hopping pa kami doon, though hindi lahat napuntahan kasi yung Survivor US nagsshoot doon. PEro Buti nagkaroon pa ako ng summer look picture. :)) Tapos nagstay Legazpi, Albay.

After Holy Week, pasukan na agad! Kasi naman, required magsummer class sa course ko. Ohwell.
Ay nagbirthday nga pala ako nung summer. Pero naalala ko lang nung birthday ko ay ang pabalik balik sa mga gusali ng UP para pumila!!! Enrollment kasi nun. hehe loljk
3 part celebration pala yun. First sa Bicol with CLC Staff and family, Second dito sa Shakeys Valenzuela with titos and titas and Third with college close friends na pwede nung araw na iyon. Naging sobrang saya naman talaga. :D

Dahil sa advice sa akin ng isang friend, gumawa ako ng schedule para ako ay madisiplina. Ginagawa ko naman ito dati ngunit hindi ko lang nasusunod. Ngayong summer lang ako nakasunod sa medyo strict na schedule.
At natutuwa ako dahil nagawa ko naman siya. Hindi pala imposible. Nakapag-aral nang matino, nakapag-leisure time, nakapagjog, at nagkasocial life nang hindi nasasacrifice ang aking tulog. Nakakatulog ako ng 7 hours everyday! :)
Lahat nang ito ay nagpayoff nung nalaman ko ang resulta. At nakita ko pa sa CRS:

record high ito. Salamat kay LORD sa paggabay at pagbigay ng wisdom and discipline ngayong summer. Ibinabalik ko lahat sa kanya.
Isa pang pasasalamat ay nung nakita ko ang mga naenlist kong subjects:

Nakuha ko lahat! Salamat kay LORD at sa CRS robot and MBB Admin para sa reserved classes. Hindi ko na kailangan magprerog pa. Copy of Grades na lang aasikasuhin ko. :)
at ang biggest blessing na nareceive ko ngayong summer ay ang katatapos lang na Youth Camp sa Jabez Campsite sa Dasma Cavite with Kamanabataan (CAMANAVA Youth Camp 2012). Ang title ng Camp ay “The Cross Factor”.

The theme is giving up everything to follow LORD Jesus Christ. I am really blessed and thankful for the lessons, devotions, message of Ptr. John, new friends and experiences, and fun fun fun! Champion pa kami. Amazing Grays (Gray Team) :)).
at lahat ay sobrang saya sa camp na ito at gusto na ulit magfellowship. excited na ako. sa June 17 ulit magkikita-kita. :D
Masasabi kong sobrang fulfilled talaga ang summer ko. :)
Ang magiging summer ender ko siguro ay ang Church outing sa Saturday, June 2. Huling swimming na eh, tapos simula na ulit ng trabaho sa 4. Ay joke, pahabol na swimming pa sa debut ni Abby sa 8. :) Ieenjoy ko na lang ang nalalabing panahon ngayong summer at maghahanda na naman sa pagpasok.
-
TYL
1. Student number?
2011-18***
2. College?
College of Science
3. Ano ang course mo?
BS Molecular Biology and Biotechnology
first time ko magtake ng summer classes! kasi summer nga eh. dapat vacation. contradictory sa classes. loljk
so eto yung required na ipasummer sa course namin.

bakit 8 units??? kasi gusto kaming pahirapan!!! trip lang.
day 1:
PanPil17 - I am classmates with lots of mbb people. yey MJ, Leslie, Edward and Jonn. :) + si Poco din pala. Absent si prof kasi siguro para prerog free siya nun, so free cut agad ang first day. Marami naman na akong nareceive na sabi sabi about her so okay na. I will enjoy this class! Pop Culture!! :D
Math54 - 3 HOURS OF MATH!!!! :(( // And I am classmates with my roommate (Jan), MJ, Fides, Liezel, and Ceejay. // I shall call my math prof, “Sir Fabulous”. Kasi basta. First word na sinulat niya sa board ay, “Recall: …,” sabay sulat ng lahat ng integrals ng kung anu ano. Us new kids were like @_@. Okay hindi pala siya nagpakilala, pero ayon sa review, na napatunayan din naman namin, Para siyang nasa expressway kung magturo! :)) Sige sir kausapin niyo ang board habang sinosolve ang integral in less than 30 seconds. Pero okay naman ang 1st meeting sa kanya kasi clear naman magturo. Pero sobrang bilis lang talaga ng pacing ng subject na ito kasi 1 day = 1 week ng isang normal sem, ish. So this friday na ang long test 1 @-) Therefore more efforts and advanced studying should be done.
sana may something new everyday para hindi lang maging boring routine ang summer na ito! at sana pwedeng bumaba-baba naman yung temperature! grabe ang INIT!
and with a help of a friend, naayos ko na ang schedule ko. :) Sorry gimmick buddies, pero friday night lang tayo pwede lumabas. :( But still, :)!
suddenly i had a mentor who rebuked me. though masakit dahil sinabi niya sa akin lahat ng iyon, nagpapasalamat ako dahil binalik niya ako sa right path. :”)
1) fix dorm room/dorm check out
2) chem 26 finals + happy times with friends
3) finish catching fire and mockingjay
4) read intro to psychology by Lahey
5) piano cover of a thousand years
6) how i met your mother marathon
7) plan summer class
8) Caramoan!!!
9) summer registration
10) dorm check in
kasi naman hindi pumayag si sir nag ipakita ko ang piano skills, yung topic na inencircle niya ay “How to Wash Dishes”. nakakatawa lang kasi eto na yung extempo speech ko for comm 3 :)) Also, I need to deliver this speech, while doing the same thing. :)) Last hardcore requirement from this elective which caused me nothing but pain.. jk :))
How can I make my speech more colorful and interesting? Any suggestions?
And oh, the title of my speech is, “Wash and Learn” :>
And I think I am not voting anymore… maybe…, because I do not know who really are worthy of the positions. I do not know anymore who to believe in. I just hope that whoever wins this race really has the passion to serve the people and the transparency with their actions.
Natapos ko na kagabi basahin yung Hunger Games! Milestone! first time makatapos ng libro na hindi required. anyway, ang bitin ng ending dahil ng may kasunod pa siyang mga libro.
Pero sorry Catching Fire, I choose Skoog and Campbell over you. :))
Required kami mag summer class, at ang required sa amin ay Math 54 at isang GE. Pero hindi ko alam kung anong GE ang kukuhain ko.
Nung nakikipagusap ako kay daddy, sinabi niya na kunwari daw yung ibang engineering students, math lang yung gustong kuhain kasi dun daw sila magaling. Hindi raw pwede yun, kasi kailangan well rounded ka.
So I am thinking of getting a GE which is really something new and far from the natural sciences. I want to learn about it and have fun while taking the subject. Any suggestions for a subject which I will be taking for two hours each day everyday this coming summer?
kung saan wala kang inaalala dahil katatapos lang ng lahat ng pagsusulit niyo, dahil wala ka munang poproblemahin pansamantala, dahil nandito ka lang ngayon sa tumblr sumusulat ng ganito.
Salamat sa ganitong mga panahon kung kailan wala ka talagang ginagawa, hinahantay mo lang yung nagdadownload na tv shows na hindi mo napanood dahil wala kang tv sa dorm at dahil wala ka lang talagang oras para doon.
Salamat sa ganitong oras ng araw kung saan tahimik na ang lahat, pwede na akong matulog pero hindi dahil ang sarap alalahanin lahat ng ginawang mabuti sa iyo sa araw na ito, tulad ng pagkasolve ng volume ng cylindrical shell nung sinabi ng teacher mo na, “last one minute”, tulad ng pagannounce sa klase na nasa top 5 ka sa bio lt. Parang nabawi na lahat ng pagtatiyaga mo para manatiling gising ng ganito ring oras ngunit hindi para gawin ang ginagawa ko ngayon kundi para mag-aral.
Salamat talaga sa mga oras na nakapanood ka ng isang dula kung matututunan mong pahalagahan ang mga bagay bagay na hindi mo lang pinapansin, mga simpleng kasiyahan sa buhay na iniitsapwera, mga bagay na sobrang importante pala sayo ngunit hindi nabibigyang halaga.
Salamat sa mga pagkakataong ikaw naman ang makikinig para matuto ka mula sa sinasabi ng iba.
Salamat sa mga taong handa talagang maglingkod.
Salamat sa mga nagpapahalaga at nakakapansin, sa mga nagtatanong at nanghihingi ng payo, sa mga nangigialam ng iyong buhay pag-ibig kahit hindi mo naman sila kakilala at sana may naitulong naman ako sa inyo kahit papaano.
Salamat dahil kahit nagbubukas tayo ng katawan ng palaka ay nakukuha pa natin mag-usap tungkol sa kung anu-anong malalalim na bagay sa buhay at nakuha pa natin maging sobrang mapagmahal sa sarili sa pamamagitan ng photobooth.
Salamat sa paparating na 8 oras na tulog pagkatapos ng tatlong linggong pagpupuyat.
Salamat dahil walang pasok bukas.
hindi ba yun naman talaga yung end goal. hindi naman pwede na bf-gf lang kayo forever diba? why not choose someone na you will spend your time with forever
Fully Booked Schedule for next week!
Can this week just pass quickly so that i cannot feel the pain. huhuhu parang hindi pa sanay, pero di nga =)) i want more time to do other helpful stuff for myself. yung hindi na puro aral. ang sakit din sa ulo eh
I mean, okay, kahit hindi ko priority ito, siyempre hindi ko rin namang maiwasan ang mainggit. Ang sobrang pagkainggit sa mga taong nasa paligid ko na sobrang viscous ng pagtitinginan sa isa’t isa, ganyan tapos heto ako ngayon nag-iisa naglalakbay sa gitna ng dilim
yung mga tao wagas magpda ganyan, pwedeng hinay hinay lang. tapos diba dapat everyday kayo sweet sa isa’t isa hindi lang tuwing vday. k fine, sige na nga, marami naman talagang dun sa araw na iyon pinakainilalabas ang super duper love nila for each other like a skyscraper
kung pwede lang magsama sama na lang lahat ng couples sa lovers lane, at magsamasama naman lahat ng singles sa singles party
sabi sa isang post dito sa tumblr, pareho lang naman din daw ang valentines day sa ibang araw na mag-isa ka. ang masasabi ko naman,

okay halatang halata na may mej bitter ako so i need to end this na
siguro nga kasi hindi pa ako handa, wala pang dumarating sa buhay ko, o hindi ko pa siya hinahanap/nahahanap. pero sisiguraduhin ko na kapag nahanap ko siya, siya na talaga at wala nang iba.
so sa mga followers ko na nakahanap na, enjoy this day. cherish the moments.
sa mga wala pa, ewan ko rin kung anong sasabihin. hindi ko nga alam kung anong gagawin ko at sasabihin ko sa sarili ko eh. =))
geh yun lang. i needed to let this out para makafocus na ako ulit sa aking mga errands.